dzme1530.ph

MIAA naglabas ng abiso sa posibleng pagbabago ng flight schedule ngayong araw

MIAA naglabas ng abiso sa posibleng pagbabago ng flight schedule ngayong araw

Naglabas ng abiso ang Manila International Airport Authority (MIAA) para sa mga Commercial flight schedule ngayong araw na posebling mabago dulot ng masamang panahon sa ilang bahagi ng bansa.

Pinapayuhan ng MIAA ang publiko na ipagpatuloy ang pagsubaybay sa Facebook page nito, para sa mga update sa mga flight schedule.

Maari ding makipag-ugnayan sa kanilang airline para sa kumpirmasyon ng kanilang biyahe upang maiwasan ang anumang abala. —ulat mula kay Tony Gildo, DZME News

Para naman sa mga emergency concern maaring ipaabot ng mga pasahero sa pamamagitan ng NAIA Flight Information (02) 8877 1109 maari din tumawag sa:

Terminal 1 – lokal 2181

Terminal 2 – lokal 2182

terminal 3 – lokal 2183

Terminal 4 – lokal 2184

About The Author