dzme1530.ph

Gobyerno, planong mangutang ng P185-B sa Hunyo

Plano ng national government na mangutang ng P185-B mula sa domestic market sa Hunyo, ayon sa  Bureau of the Treasury.

Inihayag ng BTr na ang kanilang borrowing plan para sa susunod na buwan ay mas mataas ng 5.71% kumpara sa P175-B program ngayong Mayo.

Balak ng BTr na umutang ng P60-B na Treasury bill at P125-B na Treasury bonds sa Hunyo. —sa panulat ni Lea Soriano

About The Author