dzme1530.ph

PAGCOR, kinansela ang lisensya ng service provider

Kinansela ng Philippine Amusement and Gaming Corporation ang accreditation ng Offshore Gaming Customer Relations Service provider na CGC Technologies Inc. na umano’y sangkot sa criminal activity.

Sa statement, sinabi ng PAGCOR na ang kanselasyon sa akreditasyon ng CGC ay halos isang linggo makaraang maglabas sila ng babala sa kanilang offshore gaming licesees at kanilang accredited service providers na sangkot sa mga iligal na aktibidad.

Kinumpiska rin ng regulator ang performance bond ng CGC at nagpatupad ng $350,000 na multa dahil sa kabiguan nitong tiyakin ang lehitimong pagnenegosyo.

Nahaharap ang kumpanya sa iba’t ibang alegasyon, gaya ng credit card fraud, serious illegal detention, at human trafficking activities. —sa panulat ni Lea Soriano

About The Author