dzme1530.ph

Nuggets, nakapasok sa NBA finals sa kauna-unahang pagkakataon makaraang makatakasan ang Lakers

Pinangunahan ni Nikola Jokic ang Denver Nuggets para makumpleto ang 4-0 western conference championship sweep kontra Los Angeles Lakers dahilan para makaakyat sa NBA finals sa kauna-unahang pagkakataon sa kasaysayan ng franchise.

Ang 2-time NBA Most Valuable Player na si Jokic ay nag-ambag ng 30 points sa Nuggets at nabawi ang 15-point deficit sa half-time na nagdulot ng panlulumo kay Lebron James at sa buong Lakers makaraang magtapos ang laban sa score na 113-111.

Ang Denver na isa sa 11 teams sa liga na kailanman ay hindi pa nanalo ng NBA Championship ay makakaharap ang Miami Heat o Boston Celtics sa finals.

Bukas ay tatangkain naman ng Miami na liyamado sa Boston sa 3-0, na maselyuhan ang kanilang puwesto sa NBA finals sa kanilang homecourt. —sa panulat ni Lea Soriano

About The Author