dzme1530.ph

Verzosa III itinalaga bilang LTO-NCR chief

Pormal nang nanumpa bilang bagong Regional Director ng Land Transportation Office – National Capital Region (LTO-NCR) si Roque Verzosa III sa harap ni DOTr sec. Jaime bautista.

Pamumunuan ni Versoza ang 65 Field District Offices ng LTO, Extension Offices, Licensing Centers gayundin ang mga LTO Mall Outlets.

Kabilang sa mga ipinangako ni Versoza sa kanyang appointment ang mas lalo pang pagpapaigting sa pagtatrabaho at paglilingkod sa mamamayang Pilipino.

Matatandaang nagsilbi si Versoza sa Regional Office ng LTO-NCR West bilang Officer-In-Charge.

About The Author