dzme1530.ph

PhilIDs na naapektuhan makaraang masunog ang MCP Office, papalitan —PSA

Papalitan ng Philippine Statistics Authority (PSA) ang mga Philippine Identification Card o PhilID na nadamay sa sunog sa Manila Central Post Office.

Ayon kay Claire Dennis Mapa, Undersecretary ng National Statistician and Civil Registrar General (NSCRG), nakikipag-ugnayan na sila sa PHLPost upang malaman ang kabuuang bilang ng mga nasunog na National ID.

Inihayag naman ng PHLPost na ang mga PhilIDs na idi-deliver sa lungsod ng Maynila ang tanging naapektuhan ng sunog.

Tiniyak din ni Mapa na walang karagdagang gastos o babayaran ang mga rehistradong indibidwal na magpapapalit ng nasunog na ID nito, alinsunod sa protocol na itinakda ng PSA.

About The Author