dzme1530.ph

Pag-asa Island, dapat buhusan ng pondo para sa mga kailangang imprastraktura —Sen. Estrada

Umapela si Sen. Jinggoy Estrada sa mga kasamahan sa senado na bigyang atensyon ang mga residente ng Pag-asa islands at iangat din ang kanilang kabuhayan.

Sinabi ni Estrada na hindi dapat maging dahilan ang pagiging isolated at remote ng Pag-asa Island upang pabayaan ang mga nakatira roon.

Ipinaalala ni Estrada na moral obligation ng mga public servants na tiyaking may access ang mga residente ng Pag-asa sa basic necessities tulad ng edukasyon, healthcare at livelihood.

Sa datos, kabuuang 350 ang sibilyang nananatili sa Pag-asa Island, kabilang na ang 73 bata.

Kinatigan naman ni Senate President Migz Zubiri ang apela ni Estrada sa pagsasabing may karapatan din ang mga residente ng Pag-asa Island para sa mas maayos na pamumuhay bilang sila ay mga Pilipino.

Sinabi ni Zubiri na maaaring sa pagbalangkas nila ng 2024 national budget ay mabuhusan ng dagdag na pondo ang isla para sa kanilang mga imprastraktura at serbisyong kinakailangan. —ulat mula kay Dang Garcia, DZME News

About The Author