dzme1530.ph

P115/kg cold storage price para sa pulang sibuyas, itatakda ng DA

Magpapatupad ang Department of Agriculture ng “cold storage” o wholesale price na P115 per kilo para sa pulang sibuyas at P100 per kilo para sa puting sibuyas.

Sinabi ni Agriculture Assistant Secretary Kristine Evangelista na pinag-usapan ang cold storage price sa stakeholders meeting kamakailan, upang mapababa ang presyo ng sibuyas sa mga pamilihan sa P140 hanggang P150 per kilo.

Aniya, mismong mga trader ang pumayag na i-post ang wholesale price ng sibuyas sa cold storage facilities.

Sa latest price monitoring ng DA, mabibili sa P160 ang kada kilo ng lokal na pulang sibuyas habang P200 kada kilo ang puting sibuyas sa ilang mga pamilihan sa Metro Manila.

About The Author