dzme1530.ph

Floor prices o pinakamababang presyo ng sigarilyo at vape, binago ng BIR

In-update ng Bureau of Internal Revenue (BIR) ang floor prices  o  pinakamababang presyo  ng sigarilyo, heated tobacco, vaporized nicotine, at non-nicotine products.

Sa inilabas na Memorandum Circular, ang bagong floor price para sa kada pakete ng sigarilyo ay P114.60 habang ang isang ream ay nagkakahalaga na ng P1,146.

Ang minimum price naman ng isang pakete ng heated tobacco products ay nasa P12.40 habang ang vapor products, gaya ng pod of nicotine salt ay P200 para sa 2ml at P354.97 para sa 4ml.

Ang bote ng conventional freebase o classic nicotine ay nagkakahalaga naman ng P179.20 per 10ml at P403.20 per 30ml.

Ayon sa BIR, ang bagong floor price o minimum retail price ay base sa pinagsamang production cost o total landed cost, at kabuuang ng Excise Tax at Value-Added Tax ng tobacco product.

About The Author