dzme1530.ph

Benta ng mga motorsiklo, lumobo ng mahigit 16% sa unang quarter ng taon

Lumobo ng 16.7% ang benta ng mga motorsiklo sa unang quarter ng taon sa gitna ng tumataas na demand, ayon sa Motorcycle Development Program Participation Association.

Sinabi ng MDPPA na umabot sa 447,429 units ang motorcycle sales ng kanilang group members na kinabibilangan ng Honda, Kawasaki, Suzuki, at Yamaha.

Sa kabuuan ng first-quarter sales, 60% o 269,652 units ay scooters; 18.6% o 83,616 ay business units; 17.2% o 77,152 units ay mopeds o underbond motorcycles; habang 4% o 17,000 units ay street at big bikes.

Target ng MDPPA na maabot ang 10% sales growth ngayong 2023.

About The Author