dzme1530.ph

Repatriation sa huling grupo ng mga Pinoy mula Sudan inihahanda na ng Philippine Embassy

Kinumpirma ng Philippine Embassy sa Egypt na nasa 77 mga Filipino ang huling grupo na aalis ng Port Sudan at lilipad patungong Jeddah ngayong araw May 18 at bukas.

Nanatili naman nakamonitor ang Embahada ng Pilipinas sa Cairo sa paggalaw ng ilang mga Pilipino mula Khartoum hanggang Port Sudan, para sa kanilang paglipad mula Port Sudan patungong Jeddah at pagkatapos ay lilipad naman sila pauwi ng Pilipinas.

Inanunsyo din ng Embahada ng Pilipinas sa Egypt na nanatiling suspindido parin ang operasyon ng Konsulado ng Pilipinas sa Khartoum.

Hinihimok naman ng Embahada ng Pilipinas sa Cairo ang lahat ng mga Pilipinong nasa Sudan na umalis na ng bansa, at samantalahin ang pagkakataon upang matiyak ang kanilang kaligtasan. —ulat mula kay Tony Gildo, DZME News

About The Author