dzme1530.ph

Online Accreditation System ng DOT sasailalim sa maintenance

Inanunsyo ng Department of Tourism (DOT) na pansamantalang hindi magagamit ang kanilang Online Accreditation System.

Sa abiso ng DOT sasailalim ang kanilang Online Accreditation System sa maintenance, upang mas lalo pang mapahusay ang kanilang pagseserbisyo.

Patuloy naman anilang tutulong ang kanilang mga Regional Offices sa mga concern ng kanilang mga stakeholders.

Umapela ang DOT sa mga stakeholders nito ng pang-unawa sa abalang naidudulot ng maintenance work. —ulat mula kay Tony Gildo, DZME News

About The Author