dzme1530.ph

Team PH, mission accomplished pa rin sa kabila ng pagiging top 5 sa medal table sa 32nd SEAG sa Cambodia

Mission accomplished pa rin ang Team Philippines sa pagtatapos ng 32nd SouthEast Asian Games, sa kabila nang pagiging pang-lima, subalit mas maraming medalya kumpara noong nakaraang taon.

Sa pagtatapos ng SEA Games kagabi sa Phnom Penh, Cambodia, sinabi ni Philippine Olympic Committee President Abraham “Bambol” Tolentino, na ang importante ay nalagpasan ang medal haul noong nakaraang SEA Games at nabawi ang gold medal sa men’s basketball.

Nakakolekta ang Team Philippines ng 58 gold, 85 silver, 117 bronze medals, lagpas kumpara sa naiuwi noong Vietnam SEA Games na 52 gold, 70 silver at 105 bronze medals, kung saan pang-apat ang Pilipinas sa medal table.

Ang Thailand ang magho-host ng 33rd SEA Games na balik sa traditional odd number year schedule sa 2025 na gaganapin sa Bangkok at Chonburi. —sa panulat ni Lea Soriano

About The Author