dzme1530.ph

Malacañang, idineklarang special non-working day ang May 22 sa Malabon City

Idineklara ng Malacañang ang special non-working day sa Malabon City sa May 22, 2023, araw ng Lunes.

Ito ay para sa selebrasyon ng ika-424 na Founding Anniversary ng Malabon sa May 21.

Mula sa araw ng linggo, inilipat ng Pangulo ang special non-working day sa araw ng Lunes upang bigyan ng oportunidad ang mga residente na makapagdiwang at makalahok sa okasyon.

Samantala, idineklara rin ang special non-working day sa Laurel, Batangas sa June 21, araw ng Miyerkules.

Ito ay para sa 54th Founding Anniversary ng Munisipalidad. —ulat mula kay Harley Valbuena, DZME News

About The Author