dzme1530.ph

“Dress code” sa gov’t agencies, pinatatanggal

Inihain ni Cotabato Rep. Alana Samantha Taliño Santos ang panukalang batas na magbabawal sa mga ahensiya ng pamahalaan na magtakda ng ‘dress code’ sa publiko para lamang makakuha ng kanilang serbisyo.

Binigyang diin ng mambabatas na sa kanyang inihaing House Bill 7884 o ang “Open Door Policy Act’, mas magiging bukas at patas ang gobyerno sa lahat ng mga mamamayang Pilipino na nangangailangan ng serbisyo ng alinmang ahensiya.

Mahaharap sa administrative o disciplinary sanction ang sinumang empleyado o opisyal na hindi susunod dito. —sa panulat ni Jam Tarrayo

About The Author