dzme1530.ph

Cash remittances, nakabawi noong Marso; tumaas ng 3% sa unang quarter ng taon

Nakabawi ang remittances o perang ipinadala ng mga overseas filipinos noong Marso mula sa 9-month low na naitala noong Pebrero, batay sa datos na inilabas ng Bangko Sentral ng Pilipinas.

Umabot sa $2.671-B ang cash remittances o money transfers na ipinadaan sa mga Bangko o formal channels, mas mataas kumpara sa $2.569-B noong Pebrero at $2.594-B na naitala noong Marso ng nakaraang taon.

Bunsod nito, umakyat na sa $8.002-B ang cash remittances sa unang quarter ng taon, mas mataas ng 3% kumpara sa $7.771-B na naitala simula Enero hanggang Marso ng 2022.

Ayon sa BSP, lumago ang remittances bunsod ng tumaas na padala ng mga Pinoy mula sa United States, Singapore, Saudi Arabia at United Arab Emirates. —sa panulat ni Lea Soriano

About The Author