dzme1530.ph

P54-M na halaga ng smuggled diesel, nakumpiska ng BOC sa Pangasinan

Nakumpiska ang Bureau of Customs ang P54-M halaga ng smuggled na diesel sa Sual, Pangasinan.

Ayon sa BOC, nadiskubre ang smuggled fuel na nasa 1,350 kilo liters mula sa 12 compartments ng barkong MV Veronica-1.

Sa samples na kinuha mula sa 12 compartments, kapwa minarkahang “failed” ang naturang diesel sa una at pangalawang pagsusuri gamit ang isang mobile fuel analyzer.

Ang “failed” result ay nagpapahiwatig ng absence ng chemical marker na ini-inject sa fuel products bilang patunay na nagbayad ito ng tamang import duties at taxes. —sa panulat ni Lea Soriano

About The Author