dzme1530.ph

Michael V tinawag na “Laos”; Rendon Labador cinall-out ng mga netizen

Usap-usapan ngayon sa social media ang matapang na pahayag ng content creator-vlogger na si Rendon Labador laban sa veteran comedian na si Michael V.

Binuweltahan kasi ni Rendon ang Facebook post ng batikang komedyante patungkol sa mga content creator.

Noong April 29, 2023, nag-post si Michael V o mas kilala bilang Bitoy ng pasaring sa mga gumagawa ng content online.

Naging matindi naman ang impact nito kay Rendon kaya direkta niyang sinagot ito.

Nagpost si Rendon ng tila pasaring rin kay Michael V noong May 8, 2023 kasabay ng pagtawag niya kay Bitoy ng “Laos!”

Ayon pa sa content creator, ang mga kagaya niyang “influencers” ang bagong kinikilalang celebrities ngayon.

Payo pa ni Rendon kay Bitoy, kung hindi nito kayang makipagsabayan sa influencers na mas bata sa kanya ay mas mainam na manahimik na lamang ito.

About The Author