dzme1530.ph

Karagdagang 55 OFWs, nakauwi na sa Pilipinas

Nakauwi na sa Pilipinas kagabi ang karagdagang 55 Overseas Filipino Workers (OFWs) na naipit sa bakbakan sa Sudan.

Kabilang ang dalawang senior citizens, na kung saan ang isa rito ay nagpapagaling dahil sa tinamong sugat bunsod ng giyera.

Tiniyak naman ni Dept. of Migrant Workers Asec. Vennie Legaspi na agad na madadala sa government hospitals o mga pagamutan ang mga naapektuhang OFWs upang mabigyan ng medical assistance.

Sa datos ng Dept. of Foreign Affairs, umabot na sa 475 Pilipino ang na-repatriate mula sa Sudan. —sa panulat ni Airiam Sancho

About The Author