dzme1530.ph

Suspended Cong. Arnie Teves, walang balak umuwi sa Pilipinas —Sen. dela Rosa

Naniniwala si Sen. Ronald “Bato” dela Rosa na walang balak umuwi sa Pilipinas si suspended Negros Oriental Rep. Arnolfo teves jr. at harapin ang mga kaso laban sa kaniya.

Sinabi ito ng senador matapos mapag-alaman mula sa Dept. of Foreign Affairs na tinanggihan ng pamahalaan ng Timor Leste ang hiling na Asylum ng suspendidong mambabatas.

Giit ni dela Rosa, kaya aniya siguro na-deny ang hirit na political asylum dahil posibleng hindi ito ma-justify ni Teves.

Samantala, sinabi ng senador na ang patuloy na pagtanggi ni Teves na umuwi ng bansa at sumuko ay nagpapakita lamang ng negatibong impresyon sa mga tao.  —sa panulat ni Airiam Sancho

About The Author