dzme1530.ph

Bagong Marine Chief, pormal nang naupo sa puwesto

Pormal nang itinalaga sa puwesto bilang bagong Commandant ng Philippine Marine Corps (PMC) si Major General Arturo Rojas, ayon sa Naval Infanrty Force.

Pinalitan ni Rojas si Lieutenant General Charlton Sean Gaerlan, na kasalukuyang itinalaga bilang bagong Deputy Chief of Staff ng Armed Forces of the Philippines (AFP).

Si Rojas ay miyembro ng Phil. Military Academy “Bigkis Lahi” Class of 1990, na Commander ng Special Operations Command ng AFP, bago maluklok sa bagong puwesto.

Nagsilbi rin si Rojas bilang Brigade Commander ng 2nd Marine Brigade sa Tawi-tawi at Deputy Commander ng Western Mindanao Command Center, na kalaunan ay naging acting Commander. —sa panulat ni Airiam Sancho

About The Author