dzme1530.ph

Panalo ng Filipinas laban sa Vietnam, hindi sapat para makapasok sa Semis ng Women’s Football Tournament sa 32nd SEA Games

Wagi ang Philippine Women’s National Football Team laban sa reigning Southeast Asian Games Champion na Vietnam sa score na 2-1.

Gayunman, hindi ito sapat upang makapasok ang Filipinas sa medal rounds.

Maagang nagpaalam ang koponan ng bansa sa Women’s Football Tournament ng 32nd SEA Games, makaraang pumangatlo sila sa group a bunsod ng inferior goal difference.

Sa ibang grupo, ang Thailand at Cambodia ang nag-qualify sa semifinals makaraang manalo sa kanilang unang dalawang assignments. —sa panulat ni Lea Soriano

About The Author