dzme1530.ph

GCash funds ng ilang user, nawala!

Inirereklamo ngayon ng ilang GCash app user ang pagkawala ng malalaking halaga ng kanilang GCash funds at ma-i-transfer sa unknown bank account.

Giit ng complainants, kung system error lamang ang nangyari, sana’y maibalik sa kanila ang pinaghirapan nilang pera.

Nabatid na mahigit 79-M users ang tumatangkilik ng GCash app sa Pilipinas.

Sa ngayon hot topic pa rin sa Twitter ang #GCash matapos ang reklamo ng mahigit 100 user na nawalan ng E-Money.

Sa screenshots na ibinahagi ng complainants online, ang mga hindi awtorisadong transaksyon ay kinabibilangan ng isang East West Banking Corporation account na nagtatapos sa 5239.

Wala pang inilalabas na opisyal na pahayag ang GCash at Eastwest Bank tungkol sa isyu. 

About The Author