dzme1530.ph

Moira Dela Torre, binura ang lahat ng kanyang posts sa IG

Nagtataka ang mga fans ni Moira Dela Torre makaraang madiskubre ngayong Lunes na walang laman ang Instagram page ng singer.

Sa pagsilip sa IG profile ni Moira, wala itong anumang existing posts at wala rin itong pina-follow, subalit intact ang kanyang mahigit 4 million followers.

Naghihinala naman ang mga supporter na posibleng sumasailalim din ang singer sa “rebranding” gaya ng ginawa ng aktres na si Liza Soberano noong Pebrero.

Kamailan lamang ay nagdaos si Moira ng concert tour sa US at Canada.

Noong Marso naman ay ni-release niya ang kanyang latest single na “Eme.”

About The Author