dzme1530.ph

PCG, inilipat na sa ‘search and retrieval’ ang kanilang operasyon para sa 4 na nawawalang sakay ng lumubog na yate sa Palawan

Inilipat na ng Philippine Coast Guard ang kanilang operasyon sa “Search and Retrieval” para sa natitirang apat na nawawalang sakay ng lumubog na dive yacht na M/Y Dream Keeper sa Palawan.

Ang mga nawawala ay kinabibilangan ng may-ari ng yate, dalawang pasahero, at isang dive master.

Mahigit isang linggo na mula nang ilunsad ng PCG ang kanilang search and rescue operations para sa apat na indibidwal makaraang lumubog ang sinasakyan nilang yate sa Tubbataha.

28 pasahero naman ang nailigtas ng PCG, kabilang ang apat na Chinese nationals.

About The Author