dzme1530.ph

Mga motoristang nasita sa unang tatlong araw ng Single Ticketing System, pumalo sa mahigit 1k

Mahigit 1,000 motorista ang nahuli ng mga traffic enforcer sa unang tatlong araw ng pagpapatupad ng Single Ticketing System sa Metro Manila.

Kaugnay nito, sinabi ni San Juan City Mayor Francis Zamora na naging maayos ang implementasyon ng pilot testing ng programa sa pitong lungsod sa NCR, kabilang ang Manila, Caloocan, Valenzuela, Paranaque, Muntinlupa, Quezon City, at San Juan.

Umaasa naman si Zamora na magsisimula sa third quarter ng 2023 ang full implementation ng Single Ticketing System sa Metro Manila. —sa panulat ni Airiam Sancho 

About The Author