dzme1530.ph

Tapyas-presyo sa produktong petrolyo, asahan bukas!

Loading

Inaasahang magpapatupad ng rollback sa presyo ng produktong petrolyo ang mga kumpaniya ng langis bukas, May 9.

Sa pagtaya, aabot sa P2.20 ang bawas-presyo sa kada litro ng gasolina.

Habang bababa naman sa P2.70/ litro ang presyo ng diesel.

Maaari namang matapyasan ng P2.55/ litro ng kerosene.

Nabatid na ito na ang ika-3 na sunod na linggong may tapyas-presyo sa mga produktong petrolyo sa bansa.

 

 

About The Author