dzme1530.ph

DOTr Sec. Bautista, iginiit na hindi dumaan sa due process ang preventive suspension kay MIAA GM Chiong

Umalma si Transportation sec. Jaime Bautista sa preventive suspension na ipinataw ng Office of the Ombudsman laban Kay MIAA General Manager Cesar Chiong.

Ayon kay Bautista hindi dumaan sa due process ang suspension kay Chiong at hindi rin nakuha ang kanyang panig bago binaba ang desisyon.

Iginiit din ni Bautista na walang nalabag na batas si Chiong nang magpatupad ito ng re-assignment sa ilang empleyado ng MIAA.

Inamin din ng kalihim na may basbas niya ang naturang hakbang ni Chiong.

Ayon kay Bautista layon lamang nito na maging effective ang MIAA sa pag seserbisyo nito sa publiko. —ulat mula kay Tony Gildo, DZME News

About The Author