dzme1530.ph

Smuggled na asukal, planong ibenta sa mga Supermarket

Pinaplano na rin ng Sugar Regulatory Administration (SRA) na ibenta sa mga Supermarket ang mga nasabat na smuggled na asukal.

Sinabi ni SRA Acting Administrator Pablo Azcona, gaya ng unang balak na ibenta ang mga nakumpisakang asukal sa mga Kadiwa store at palengke ay ibebenta na rin sa halagang ₱70 ang mga smuggled na asukal.

May mga nakausap na aniya silang mga supermarket chain na nauunawaan ang problema ng bansa sa mataas na presyo nito na handang tumulong para mas maging accessible sa publiko ang bentahan.

Nilinaw ni Azcona na sa ngayon ay wala pang eksaktong petsa kung kailan magiging available sa Kadiwa stores, mga palengke at Supermarket ang “Kadiwa Sugar”.

Gayuman, tiniyak ng SRA na patuloy nilang itinutulak ang pagtatakda ng ₱85 kada kilo SRP ng asukal para maiwasan ang pananamantala sa presyuhan nito.

About The Author