dzme1530.ph

Bulgari Luxury Jewellery Store, muling ninakawan!

Pinasok ng mga armadong kawatan ang Bulgari Luxury Jewellery Store sa mamahaling Place Vendome sa Central Paris at tinangay ang hindi pa tukoy na halaga ng mga alahas.

Sa nakalap na impormasyon, tatlo katao na lulan ng dalawang motorbikes ang pumasok sa tindahan sa sikat na tourist district sa katirikan ng araw at isinagawa ang krimen.

Ang naturang Bulgari Store ay tinarget na rin ng armadong grupo noong September 2021, at tinaya sa 10-M euros ang halaga ng mga alahas na nakulimbat ng mga kawatan.

About The Author