dzme1530.ph

DMW Sec. Ople, nanawagan sa mga OFW sa Sudan na huwag mag-atubiling lumikas

Nanawagan si Migrant Workers secretary Susan “Toots” Ople sa mga Pilipino sa Sudan na nag-aatubiling umalis sa magulong bansa, na samantalahin ang ceasefire extension para lumikas.

Noong Sabado ay dumating sa Pilipinas ang unang batch ng evacuees mula sa Sudan na binubuo ng 17 Pinoy.

Ayon kay Ople, target nila na ma-repatriate ang nasa 340 Pilipino ngayong linggo.

Mayroon din aniyang 100 pang mga Pinoy na hindi pa nakaaalis mula sa Khartoum patungo sa border, habang 14 pa ang naghihintay pa na makatawid ng border.

Una nang inihayag ni Foreign Affairs Usec. Eduardo de Vega na tinatayang nasa 700 ang mga Pilipino sa Sudan, at karamihan sa kanila ay undocumented. –sa panulat ni Lea Soriano

About The Author