dzme1530.ph

Unang batch ng OFWs na inilikas mula Sudan, nasa bansa na!

Dumating na sa bansa ang unang batch ng mga Pilipinong inilikas mula sa Sudan na kinabibilangan ng 17 Pilipino.

Sa isang pahayag, sinabi ng Department of Foreign Affairs na ang unang batch ng evacuees ay lumipad pabalik ng bansa mula sa Athens, Greece at Jeddah, Saudi Arabia.

Walo sa mga ito ay nagtatrabaho sa isang hotel sa Sudan na sumakay sa Military evacuation flight sa pakikipagtulungan ng pamahalaan ng Greece at ng Embahada ng Pilipinas sa Athens.

Ang natitirang siyam na Overseas Filipinos, kabilang ang isang sanggol, ay umalis naman ng Khartoum sa pamamagitan ng Port of Sudan at sumakay ng C130 plane ng Saudi Royal Air Force patungong Jeddah.

Inaasahan naman na ililikas ang panibagong batch ng 45 Overseas Filipinos sa pamamagitan ng dagat sa Sudan patungong Saudi Arabia. — sa panulat ni Ronnie Ramos

About The Author