dzme1530.ph

4 patay, 2 kritikal sa aksidente sa daan sa Puerto Princesa City, Palawan

Nasawi ang apat na pasahero habang nasa malubhang kalagayan ang dalawang iba pa matapos sumalpok sa gilid ng kalsada ang sinasakyang shuttle van sa Puerto Princesa City, Palawan.

Ayon sa ulat, 11 katao ang sakay ng van mula Quezon Palawan, na patungo sanang Puerto Princesa City.

Mag a-12 ng tanghali, kahapon nang dumulas ang gulong ng sinasakyang shuttle van ng mga biktima dahil umano sa basang daan dulot ng pag-uulan, kung kaya’t nawalan ng kontrol ang drayber hanggang sa bumangga at tumagilid ang van sa bahagi ng Highway sa barangay sta. Lucia.

Sa kasalukuyan, ginagamot pa sa ospital ang  2 biktima na kapwa nasa kritikal na kalagayan. —sa panulat ni Joana Luna

About The Author