dzme1530.ph

Libreng sakay sa LRT-2, at MRT-3 para sa mga manggagawa ngayong Labor Day —DOTr

Sa pagdiriwang ng Araw ng Paggawa 2023, lahat ng manggagawang Pilipino ay maaaring maka-avail ng libreng sakay sa tren sa Light Rail Transit Line 2 (LRT-2) at Metro Rail Transit Line 3 (MRT-3) ngayong araw Lunes, Mayo 1.

Sinabi ni Department of Transportation (DOTr) Assistant Secretary for Railways Jorjette B. Aquino na maaaring makakuha ng libreng sakay ang mga manggagawa sa LRT-2 at MRT-3 sa mga piling oras.

Sa LRT-2 magsisimula ang libreng sakay ng

7:00 am hanggang 9:00 am

5:00 pm hanggang 7:00 pm

MRT-3 magsisimula din ng

7:00 am hanggang 9:00 am

5:00 pm hanggang 7:00 pm

Sinabi ni Aquino kailangan lang ipakita ang Company ID o Government-issued ID.

Tatanggapin din ang mga manggagawang may edad na 18 taong gulang pataas upang tangkilikin ang espesyal na araw na ito

Ang mga libreng sakay sa mga riles na ito ay inaalok kasunod ng kahilingan ni Labor Sec. Bienvenido E. Laguesma kay Transportation Secretary Jaime J. Bautista “upang magbigay pugay sa mga kontribusyon at tagumpay ng mga masisipag na manggagawang Pilipino sa buong bansa.  —ulat mula kay Tony Gildo, DZME News

About The Author