dzme1530.ph

P150 legislated wage hike, tatalakayin sa Senado

Tiniyak ni Sen. Jinggoy Estrada na sa pagbabalik ng sesyon ngayong Mayo ay sisimulan na ng kanilang kumite ang pagtalakay sa panukala ni Senate President Juan Miguel Zubiri na P150 legislated nationwide across-the-board wage hike.

Ayon kay Estrada, chairman ng Senate Committee on Labor, magpapatawag siya ng public hearing maging sa iba pang mga nakabinbing panukala para sa benepisyo ng mga manggagawa.

Sinabi ng senador na partikular din niyang aalamin sa Department of Labor and Employment at sa iba pang stakeholders kung kakayanin ang P150 na dagdag sahod.

Ipinaliwanag ni Estrada na dapat i-balanse sa kapakanan ng mga manggagawa ang kakayanin din ng mga kumpanyang magbigay ng umento.

Inalala pa ni Estrada noong administrasyon ni dating Pangulong Gloria Macapagal- Arroyo, ipinasa ng dalawang Kapulungan ng Kongreso ang P125 legislated wage hike subalit sa huli ang binawi ng mga kongresista ang kanilang bersyon kaya’t hindi ito tuluyan itong naging batas. —ulat mula kay Dang Garcia, DZME News

About The Author