dzme1530.ph

Lebel ng tubig sa ilang dam sa Luzon patuloy sa pagbaba

Batay sa obserbasyon ng PAGASA Hydrometeorology Division, alas-6 ng umaga kanina, Abril 29, nasa 195.51 meters na lang ang lebel ng tubig sa Angat Dam, matapos nabawasan ng 30cm.

Bumaba din ang lebel ng tubig sa Lamesa Dam, Ambuklao Dam sa Benguet, San Roque Dam, Binga Dam, Magat Dam at Caliraya Dam sa Laguna.

Paalala ng PAGASA sa publiko, ugaliing magtipid sa paggamit ng tubig upang maantala ang nagbabadyang water supply crisis ngayong panahon ng tag-init.

About The Author