Itinalaga ni Pang. Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. si Pablo Luis Azcona bilang Acting Administrator at Chief Executive officer ng Sugar Regulatory Administration.
Ito ay kasunod ng nauna nang inanunsyong pagtatalaga kay Agriculture Senior Undersecretary Domingo Panganiban bilang Officer-in-Charge ng SRA.
Si Azcona ay unang nanungkulan bilang board member ng SRA.
Matatandaang nagbitiw sa pwesto si former SRA Administrator David John Thaddeus Alba dahil sa isyu sa kanyang kalusugan.
Nangyari ang balasahan sa SRA sa harap ng kabi-kabilang kontrobersiya sa importasyon ng asukal. —ulat mula kay Harley Valbuena, DZME News