dzme1530.ph

Pilipinas rank 66 sa Chandler Good Governance Index 2023

Galing sa rank 63 noong 2022, bumaba ng tatlo o nasa rank 66 ang Pilipinas sa 104 na mga bansa sa buong mundo.

Nakakuha ang Pilipinas ng index score na 0.4694 batay sa Chandler Good Governance Index 2023.

Ang Chandler Good Governance Index ang sumusukat sa “capabilities and effectiveness” ng pamahalaan sa pitong pillars.

Nakatanggap ang bansa ng 0.36 na marka sa leadership and foresight, 0.48 sa robust laws and policies, 0.44 sa strong institutions, 0.55 sa financial stewardship, attractive marketplace (0.54), global influence and reputation (0.4), at helping people (0.49).

Nanguna sa listahan ang Singapore na may 0.8646 index score, sinundan ng Switzerland, Finland, Denmark, Norway, Sweden, Netherlands at Germany.

About The Author