dzme1530.ph

SB19, DADALHIN ANG P-POP SA COACHELLA 2027

Loading

Nakatakdang magtanghal ang P-pop kings na SB19 sa Coachella Valley Music and Arts Festival sa 2027.
 
Inanunsyo kahapon ng organizers sa kanilang social media platforms ang lineup para sa edisyon ng sikat na music festival sa susunod na taon na pangungunahan nina Dua Lipa, Tame Impala, at SZA.
 
Kabilang ang five-member group sa featured performers at naka-schedule silang mag-perform sa second day ng two-weekend run ng festival sa April 10 at 17.
 
Inanunsyo rin ng SB19 ang nakatakdang performance sa kanilang sariling social media pages.
 
Sa 2026 edition, gumawa ng kasaysayan ang nation’s girl group na BINI bilang first all-Filipino act na nag-perform sa Coachella.
 
Gumawa rin ang SB19 ng sarili nilang marka bilang first Filipino act na nagtanghal sa Lollapalooza, na isa pang major music festival.

About The Author