![]()
Pitong lugar sa bansa ang makararanas ng danger level ng heat index na aabot sa 42 degrees Celsius ngayong araw ng Huwebes.
Kabilang dito ang Butuan City; Coron, Palawan; Cotabato City; Dipolog City sa Zamboanga del Norte; Dumangas sa Iloilo; La Carlota City sa Negros Occidental; at Zamboanga City.
Pinaalalahanan ang mga residente sa mga nabanggit na lugar na posibleng magdulot ng heat cramps at heat exhaustion ang heat index.
Samantala, ilang lugar naman sa CALABARZON, Bicol Region at MIMAROPA ang makakaranas ng pabugso-bugsong ulan dulot ng easterlies.
