![]()
Umabot na sa halos ₱10 billion ang pinsala sa agricultural sector dulot ng El Niño na inaasahang tatagal pa hanggang sa susunod na taon.
Ito ay batay sa assessment ng Department of Agriculture Regional Offices na nagsabing umabot na sa ₱9.99 billion ang agricultural damages at losses.
Kasama sa mga naitala ang pinsala sa Cordillera Administrative Region, Ilocos Region, Cagayan Valley, Central Luzon, CALABARZON, MIMAROPA, Bicol Region, Western Visayas, Negros Island Region, Central at Eastern Visayas, Zamboanga Peninsula, Northern Mindanao, Davao Region, SOCCSKSARGEN at Caraga.
Umabot na sa 324,327 farmers ang apektado sa 323,419 hectares ng agricultural areas na nasira.
Sa mga napinsala, pinakamalaki ang damage sa mais na umabot sa ₱5.63 billion habang sa palay ay umabot sa ₱3.65 billion.
