dzme1530.ph

Top 9 Most Wanted na Abu Sayyaf terrorist, arestado ng SAF sa Tawi-Tawi

Naaresto ng mga tauhan ng Philippine National Police (PNP) Special Action Force (SAF) ang Top 9 Most Wanted na Abu Sayyaf terrorist sa Barangay Simalac, munisipyo ng Languyan sa Tawi-Tawi, kahapon.

Kinilala ang salarin na si Tatoh Datu Adingih, na nagtago sa nakalipas na 26 na taon sa ilalim ng alyas na “Tatoh Moro”.

Si Adingih ay inaresto sa bisa ng Warrant of Arrest para sa kasong murder na inilabas noong June 14, 2007 ni Judge Abdulmaid K Muin ng RTC Branch 5 sa Bongao, Tawi-Tawi.

Binati naman ni SAF Director Police Brig. Gen. Rudolph Dimas ang mga tropa, sa matagumpay na operasyon, kasabay ng pagtiyak na laging handa ang SAF na sumuporta sa mga law enforcement operation ng iba’t ibang unit ng PNP.  —ulat mula kay Jay de Castro, DZME News

About The Author