![]()
HINDI pa natatanggap ng Senado ang resolusyon ng Korte Suprema na nag-aatas sa kanila at sa Kamara na magkomento sa petisyon kaugnay sa bagong ruling sa voting threshold para sa conviction sa impeachment ni Vice President Sara Duterte.
Sinabi ni Senate Secretary at Impeachment Clerk of Court Atty Renato Bantug Jr., hihintayin nila ang ipadadalang kopya ng Korte Suprema saka tatalakayin ang pagsagot dito.
Idinagdag ni Bantug na sa media pa lamang niya nakita ang dalawang pahinang resolusyon na inilabas ng Korte Suprema na may petsang October 14, 2026.
Sa resolusyon, binigyan ng limang araw ang Senado at Kamara mula sa oras na matanggap nila ang resolusyon para maghain ng kanilang komento.
Una nang sinabi ni Impeachment Court Presiding Officer Chiz Escudero na maaaring aksyunan ng Korte Suprema ang kanilang naging ruling kung may makitang grave abuse of discretion.
Matatandaang sa botohan, si Escudero lamang ang bumoto kontra sa pagbabago ng ruling kaugnay sa threshold.
Sinabi naman ni Bantug na pag-uusapan pa kung mismong Senado ang magkokomento sa petisyon o ipauubaya sa Solicitor General.
