![]()
Posibleng maharap din sa kasong tax evasion si VP Sara Duterte dahil sa naungkat na unexplained wealth.
Ayon kay House trial spokesman Zia Alonto Adiong, lumitaw sa testimonya ni forensic accounting expert Atty. Alexander Cabrera na may ₱111.85-M gap sa declared income ng bise presidente.
Base sa financial records, umabot sa ₱174.96-M ang bank inflows ni Duterte, samantalang ang declared income nito mula 2022 to 2025 ay ₱63.11-M lamang o diperensyang ₱111.85-M.
May nakikita ring tax fraud sa tatlong kumpanya na nakadikit sa VP at kabiyak nito na si Atty. Mans Carpio.
Sa pagsusuri ding ginagawa ni Cabrera, may ₱1.41-B discrepancy sa financial records ng tatlong kumpanya na kinabibilangan ng GenCorp Industries Inc., Metro City Chow Foods Corp., at Cale88 Foods Corp.
Ayon kay Adiong, sa buong ₱1.41-B discrepancy, ang ₱1.05-B ay sa GenCorp kung saan ang nakitang bank inflows ay umabot sa ₱2.58-B, samantalang ang iniulat na kita mula 2022 hanggang 2025 ay ₱1.53-B lamang.
