![]()
Pinili ni Bea Alonzo na ipagdiwang ang kanyang 39th birthday nang intimate, kasama ang kanyang pamilya at mister na si Vincent Co.
Sa video na ibinahagi sa Instagram ni Pete Rich, isa sa mga kaibigan ni Bea, nakipag-bonding ang aktres sa kanyang pamilya at close friends habang kumakain sa isang Chinese restaurant.
Ginawa ang intimate gathering noong Sabado, Oct. 17, batay sa nakasaad sa caption na “101726.”
Kabilang sa mga dumalo ay ang mommy ni Bea na si Mary Anne, kapatid na si James at misis nito na si Thalia Agbayani.
Ito ang ikalawang beses na ipinagdiwang ni Bea ang kanyang kaarawan kasama si Vincent, na ang una ay noong nakaraang taon, kung saan nakiisa ang negosyante sa house staff ng aktres para sorpresahin ito sa isang maliit na birthday celebration.
Ikinasal sina Bea at Vincent sa isang civil ceremony sa Makati City nitong lamang Hulyo ngayong taon.
