dzme1530.ph

FRANCE, MAGDE-DEPLOY NG MGA SUNDALO KASABAY NG PAG-AMIN SA MGA KAKULANGAN SA KAGULUHAN NOONG WEEKEND

Loading

Magpapakalat ang France ng mga sundalo para tumulong sa mga pulis at magkakasa ng malawakang security operation para sa mga planong rally sa Sabado.
 
Sinabi ni Prime Minister Sebastien Lecornu na “massive” ang magiging deployment sa weekend, at ang kanilang immediate priority ay ibalik ang kaayusan matapos ang riot at looting sa Paris, Marseille, Lyon at iba pang lungsod noong nakaraang Sabado.
 
Kasabay nito ay ang pag-amin ng pamahalaan sa kanilang kabiguang tugunan ang sumiklab na kaguluhan noong weekend.
 
Inihayag naman ni Interior Minister Laurent Nunez na ide-deploy ang militar, kasama ng mga pulis, habang nangako ang gobyerno na babaguhin ang taktika, kasunod ng malawakang kilos-protesta.

About The Author