![]()
Itinanggi ni House impeachment adviser at trial spokesperson Robert Ace Barbers na may utos para pabilisin ang paglilitis kay Vice President Sara Duterte.
Lumabas ang balita na nais umano ng Palasyo na madaliin ang paggawad ng hatol sa impeachment case ni Duterte dahil sa nakatakdang pagbisita sa Pilipinas ni US President Donald Trump.
Ayon kay Barbers, bago pa man magsimula ang trial noong July, may mga inilatag nang petsa ang prosekusyon at depensa sa isinagawang trial conference.
Sa rekoleksyon ni Barbers, eight (8) o nine (9) trial days ang hiningi ng defense panel para sa buong presentasyon ng testigo sa Article II o ang isyu sa unexplained wealth.
At dahil Article II na lamang ang natitirang kaso sa impeachment court, mas magiging mabilis na ang paglilitis.
Sa paliwanag ni Barbers, sa November 9 nakatakdang simulan ng kampo ni VP Sara ang pagpresenta ng kanilang witnesses sa natitirang unexplained wealth, kaya sa loob ng walo o siyam na araw ay posibleng matapos na ang presentasyon.
