dzme1530.ph

SUNOG SA CANADIAN MILITARY BASE, PUMATAY NG PITO KATAO

Loading

Hindi bababa sa pito katao ang nasawi sa malaking sunog sa Canadian military base sa Alberta, ayon sa government-funded na CBC News.

Inihayag naman ng Canadian authorities na may mga nasawi at nasugatan sa Canadian Forces Base Wainwright, subalit hindi pa sila naglalabas ng eksaktong bilang ng mga biktima.

Sinabi ni National Defense Minister David McGuinty na magtutungo siya sa Alberta para personal na tingnan ang sitwasyon.

Nagsimula umano ang sunog sa training area ng military base, sa gitna ng malakas na pagbugso ng hangin na nasa 60 miles per hour.

About The Author