dzme1530.ph

MAS MAHIGPIT NA SEGURIDAD SA MGA PAARALAN, IGINIIT

Loading

NANAWAGAN si Senador Christopher “Bong” Go sa Department of Education (DepEd) at mga local government unit (LGU) na pabilisin ang pagpapalakas ng seguridad sa mga paaralan, matapos lumabas na mas mababa sa kalahati ng mga public school sa bansa ang may CCTV cameras.
 
Ayon sa DepEd, nasa 49% lamang ng mga public school ang may CCTV.
 
Target ng DepEd na magkaroon ng CCTV system ang lahat ng public school sa bansa pagsapit ng 2028.
 
Bilang chairperson ng Senate Committee on Youth, iginiit ni Go na dapat makatiyak ang mga magulang na ligtas ang kanilang mga anak habang nasa paaralan.
 
Maaari anyang makatulong ang CCTV sa pagpigil sa karahasan, pagdodokumento ng mga insidente, at pagkilala sa mga taong sangkot sa mga posibleng paglabag.
 
Gayunman, binigyang-diin ni Go na hindi sapat ang pagkakaroon lamang ng CCTV. Dapat aniyang tiyakin na gumagana ang mga ito, sapat ang saklaw ng mga camera, malinaw ang mga kuha, at regular na naseserbisyuhan ang mga equipment.
 
Dapat din aniyang may sanay na security personnel at maayos na sistema sa pagpasok at paglabas ng mga paaralan.

About The Author