![]()
Nanguna si Senador Raffy Tulfo sa panibagong senatorial survey na sinundan ni Senador Robin Padilla.
Lumabas ito sa non-commissioned Tugon ng Masa survey na isinagawa mula September 28 hanggang October 4.
Sa survey, inilatag sa mga respondents ang hypothetical list ng senatorial candidates para sa May 2028 elections.
Batay sa survey, nakakuha si Tulfo ng 47% habang 45% kay Padilla.
Pumangatlo naman si Senate Minority Leader Alan Peter Cayetano na may 44%, na sinundan ni Senate President Pro Tempore Vicente Tito Sotto III na may 42%.
Pasok din sa Magic 12 sina dating Senador Grace Poe, 36%; Senador Loren Legarda, 31%; dating Makati City Mayor Abby Binay, 29%; Mark Lapid, 28%; Senador Chiz Escudero, 27%; Education Secretary Sonny Angara at dating Senador Manny Pacquiao na may 25%; Ben Tulfo, 23%; at Senador Jinggoy Estrada, 22%.
